“Atheism is a mere absence of faith until it becomes a religion.” — copyright©@n_n
from YouTube: http://www.youtube.com/watch?v=muT3YiGL2nM
(An excerpt from UNTV’s morning show, “Good Morning Kuya”.)
Ang akin ngayong panawagan sa lahat na ng mga Pilipino at sa bawat isa na mayroong kakayanang makagawa. Sa bawat isang Pilipinong may kapasidad na tumulong sa kanyang kapwa.
Kasi, we have to face it, hindi naman lahat ng Pilipino kailangang tulungan. Meron namang mga Pilipino, na pupwedeng tumulong. At ang ating panawagan, sa lahat ng pupwedeng tumulong, magtulong-tulong na tayo … Lahat ng mga pupwedeng tumulong …
ISANG ARAW LANG PO.
Lahat ng doktor sa buong Pilipinas, ISANG ARAW LANG magbigay ng libreng serbisyo.
Lahat ng mga bumibyahe dyan sa buong Pilipinas, mga negosyante …. ISANG ARAW LANG.
Magkatulong-tulong tayong mga Pilipino, we can make our lives better.
…….
Ang sumunod na tanong sa’kin kahapon. Meron akong mga kausap na mga negosyante. Meron akong mga kausap na mga tao na ang … umupo sila sa’ken, sabi nila, “nadinig namin yung sinasabi mong ISANG ARAW LANG”. Kasi dahil ‘yung panawagan natin nga na, ano ba naman yung isang araw eh yung mga sasakyan, mga bus, na mga malalaking kumpanya, MAGLIBRE. Ano ba naman yung isang araw na ikaw ay tumulong doon sa kapwa mo tao na, kung ikaw ay may kakayanan. Lahat ng may kakayanang tumulong sa kapwa, ISANG ARAW LANG, gawin natin yung magagawa natin na tulong. Alam mo, tanong nila sa’ken, “ah Kuya, ang ano lang naman namin, bakit isang araw lang?” Ang sagot ko sa kanila, “yun ang isang tanong na ibinabalik ko sa inyo”. Dahil ako, ang paniwala ko, at ang ginagawa namin ay hindi isang araw lang. Ang totoo, Lunes hanggang Byernes meron tayo dito. At pag Sabado at Linggo, tuloy-tuloy pa rin tayo. Kaya lang, sabi ko sa kanila, “Hindi naman po mabubuo ang isang linggo ng walang ISANG ARAW. Hindi naman mabubuo ang isang buwan ng walang ISANG ARAW. Hindi rin mabubuo ang isang taon ng walang ISANG ARAW. Kaya ang umpisa ng lahat, ISANG ARAW. At mula doon sa isang araw na ‘yun, kung nabuksan na sa kalooban mo di ba, ‘yung tanong na, “BAKIT ISANG ARAW LANG?” e di ikaw na ang magsasabi sa sarili mo, “Pwede ko pa lang gawing dalawa, tatlo, apat, hanggang sa maging araw-araw na.” Pero ang lahat nagpasimula, sa ISANG ARAW LANG.
